May 11, 2010
Sa lahat ng nagtiwala at sumuporta sa Bangon Pilipinas,
Ito na siguro ang pinakamahirap na sulat na ginawa ko. Mahirap kasing isalin sa salita at pagkasyahin sa isang papel lang ang nag-uumapaw na pasasalamat sa puso ko.
Natapos na ang eleksyon at nagbigay na ng kanilang mandato ang sambayanang Pilipino. Hindi pumabor sa atin ang mandato ng eleksyon. Pero hindi ibig sabihin na nasayang ang prinsipyong pinanindigan natin sa labang ito.
Sa loob ng tatlong buwang campaign period, naramdaman ko ang pagsama ninyo.
Hindi biro ang pinagdaanan nating laban. Mabigat man ang sakripisyo ko, naging magaan dahil sa inyo. Hindi ko na maiisa-isa lahat ng kontribusyon ninyo para sa pagsusulong ng tunay na pagbabago... para sa matuwid na pamahalaan. Hindi ko man maisa-isa, salamat! Kayo ang “unsung heroes” ng Bangon Pilipinas.
Sa panahong ito, dalangin ko na lahat tayo ay magkaroon ng kapayapaan na ang lahat ng ginawa natin ay hindi para sa ating sarili kundi para sa Diyos at Bayan.
Ang ginawa natin para sa Diyos, hindi mawawalan ng kabuluhan. “Therefore my dear brothers, stand firm. Let nothing move you. Always give yourselves fully to the work of the LORD, because you know that your labor in the LORD is not in vain.” (1 Corinthians 15:58).
Ang ginawa natin para sa bayan, nakaukit na sa kasaysayan. Wala nang makakanakaw nito sa atin.
Gaya ninyo, nasasaktan din ako. Pero maiibsan ang sakit na ito kung sama-sama pa rin tayong magpapalakasan sa bawat isa at hindi matitinag sa patuloy na pagdalangin sa Diyos na magkaroon ng matuwid na pamahalaan sa ating minamahal na bansa!
A paraphrased prayer from Daniel 3: 16-18: God, we do not need to defend ourselves in this matter. If we are thrown into the blazing furnace, the God we serve is able to save us from it and You will rescue us. But even if You do not, we want the Filipinos to know that we remain steadfast in our service to God and country.
We have given joy to the heart of God as we supported His cause for the Philippines. Now, let the joy of the LORD be our strength!
Thank you once again!
God bless you all marvellously!
GOD bless the Philippines!
Para sa Diyos at Bayan,
BRO. EDDIE C. VILLANUEVA
Monday, May 24, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)